Litpower
Kalinangan ng Literatura at Paglikha Incorporated

Ni: Nikka Austria
 
Biglang dumilim, nagulat ang lahat. Wala namang kakaibang nangyari, kaya inisip ng lahat ng lahat na nawalan lang ng kuryente. Patuloy ang lahat sa kanilang ginagawa. Pero may kaba akong nararamdaman. hindi ko matiyak kung ano ‘yon. Maya-maya lang ay parang umulan ng buhangin, hindi, hindi ulan ng buhangin ang nangyayari.

Nagulat ang mga tao. Nagtakbuhan ang lahat sa takot. Hindi ako makakilos, parang tumigil ang mundo ko bigla. Nakatayo ako sa gitna ng palengke habang nagtatakbuhan ang lahat. Hindi ko malaman ang gagawin. Natauhan lang ako sa iyak ng isang bata. Dali-dali akong lumapit para hatakin ang bata papunta sa ligtas na lugar. Pero saan ng ba ang ligtas na lugar?Malapit na ko sa bata ng bigla na lang itong kunin ng isa pang batang babae. Napanatag ako para sa bata ng marinig kong tawagin niya itong ate.

Pero bigla na lang akong napatingin sa bubong. Sobrang takot ang bumalot sa aking katauhan . Totoo ba itong nakikita kong ito o isang imahinasyon lang? Unti-unting tinutuklap ng buhawi ang bubong ng palengke. Kinalma ko ang sarili ko. Takbo lakad akong pumunta sa gilid ng palengke gaya ng ginawa ng iba. Umiiyak ang iba, nagdarasal, humihingi ng tulong, hindi alam kung anong gagawin. Nagkakagulo pa din, sumisigaw ang mga bata sa takot.

Natatakot ako, paano ko tangayin ako? Hindi ‘to kasama sa plano pero anong magagawa ko. Bahala na, ipinapasaDiyos ko na lang ang lahat. Tinawagan ko ang mommy ko, ikwinento ang kasalukuyang nangyayari. Kahit paano ay napanatag ako. At hinintay kung anong susunod na mangyayari.

Kitang-kita nang lahat kung paano tangayin ang matibay na bubong ng palengke. At unti-unti’y nagliwanag ang kalangitan. Wala na ang bubong, wala na rin ang iba pang bagay na natangay sa pagdaan ng buhawi. Lumiwanag na ang paligid. Kalmado na ang lahat. Pauwi na ang iba at nakikiusyoso naman ang iba.

At ako, naglakad ng naglakad. Medyo tulala pa sa nangyari. Hanggang nakakita ng masasakyan pauwi. Nagdasal ng taimtim at nagpasalamat sa Diyos. Masaya na at panatag dahil walang nasaktan sa nangyari.

Sa sasakyanm ay tahimik pa din ako. Si manong driver ang bangkero ng usapan. Biruuin mong pati pala mga trickle ay muntik ng tangayin. Ang nakakatawa pa sa kwento niya ay yung isang plastik ng gulay na pumasok sa sasakyan niya. Tuwang-tuwa at may ulam na siya. Basta ak, nagpapasalamat at naka-uwi ako ng ligtas.

Talaga nga namang nakakatakot. Hindi mo alam kung mabubuhay ka pa o hindi. Walang nakakaalam kung hanggang kelan nakatapak ang ang mga paa mo sa lupa at humihinga. Kaya gawin mo ang mga bagay na sa tingin mo ay tama. Samantalahin hanggat buhay ka pa. Hindi lahat ng tao ng tao ay kaya pang gawin ang mga nais nila. Kaya ano pang ginagawa mo?

Advertisement

One Response to “”

  1. haha..naalala ko yung tungkol sa ipo ipo na dumaan sa balagtas..tama ba? hehe basta sa may guiguinto at balagtas yun..
    nice..creative non fiction..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.