Langit, Lupa, Impyerno…
Ni: Junelyn Socajil
Nakatambay ako sa labas ng bahay namin isang hapon, tabi ng kalsada. Nanonood ng paroo’t paritong mga batang nalalapit nang pumasok ulit sa eskwela. Hunyo na naman. Natapos na rin ang break naming mga college students na sa totoo lang ay hindi ko naman talaga na-sulit. Nag-take kasi ako ng summer para sa naiwang subject.
Iniisip ko kung ano na naman kaya ang mga posibleng mangyari sa darating na sem. Kapag naiisip kong magiging teacher na naman namin ‘yung taong hindi nauubusan ng topak sa katawan, ay naku! Mas gugustuhin ko pang mag-damo na lang sa likod-bahay namin. Alam naman natin na ang kolehiyo ay ‘di kasin-dali ng pagkain ng jelly stick. At ang pag-aaral ay hindi natatapos lang sa pag-sukbit ng bag sa balikat at pag-suot ng uniform.
Nangiti ako nang may nasaksihang usapang elementary sa tabi ko. Ang topic ay bagong notebooks, lapis, papel, pambura at iba pa. Nung kasin-laki pa lang nila ako, nasasabik din akong sumapit ang pasukan. Mantakin mong bago lahat ng gamit mo sa eskwela, ‘di ka ba gaganahang pumasok?!
Natatandaan ko pa, taong 1995 nung una akong tumapak sa eskwelahan. Day Care ‘yun, hiwalay ‘yung Learning Center namin sa Elementary School. Ang natatandaan ko lang nun, tabi ng school namin ang bahay ng ka-klase ko at may nakasabit na karatula ng DSWD ang bakod ng paaralan namin. Lasinggero rin ‘yung asawa ng Ma’am ko nun kaya takot akong pumasok dahil laging bumibisita sa paaralan para manghingi ng pambili ng gin kay Ma’am. At kapag tina-tanghali ng gising ‘yung ka-klase kong nasa tabi lang ng paaralan ang bahay, si Ma’am pa ang gumigising. Nagsipasukan na kasi ang mga kasama niya sa bahay. Ang mama niya, sa bangko. Ang papa niya, sa palengke at ang mga ate niya, sa Elementary School. Kung gaano ka-wierd ‘yun, hanga rin talaga ako sa teacher ko.
Memorable din ang uniform ko nung Day Care. Kulay pulang checkered at puting blouse, tsaka black shoes. At dahil bata, inaabot ako ng bagyo sa eskwelahan kapag alam kong ‘di ko kaya ang nerbiyos sa kulog at kidlat. Buti na lang, nariyan lagi si Nanay. Sinusundo ako ‘pag ganun ang panahon.
Natapos ang Day Care nang hindi ako naging problema ng teacher at magulang. Oo! Mabait kasi ako noon. Hindi ako maingay sa klasrum, ‘di rin ako nang-aaway ng katabi. Hindi ko rin nagawa ang mortal na kasalanan ng iba, ang tumae sa klasrum.
‘Yun na nga, kinder na ako. Iba na rin ang uniform. Jumper na navy blue at white T-shirt saka sapatos na itim. Pamilyar na ako sa ibang kamag-aral dahil nakasama ko na sila noong Day Care. Ang masaya nung Kinder ay ang ‘tulugan session’. Binibigyan kami ng teacher namin ng 20 minuto para matulog. May sarili kaming unan. ‘Yung iba, sa sahig nahihiga. ‘yung iba, sa mesa. Hindi naman talaga kami natutulog sa loob ng bente minutos noon, nagpipindutan lang kami ng ilong ng mga katabi ko sa pag-higa at kunwaring mga tulog na.
Natapos ang makulay na Kindergarten. Kung 20 lang kaming magka-klase nung Kinder, naging 50 na nung Grade 1. Sa public school ako nag-aral dahil walang private shool sa Alcantara, Romblon nun. At kung meron man, tiyak! Sa public pa rin ako mag-aaral. Isang subject namin nung Grade 1 ay ang Science and Health. Pinagdala kami ni Ma’am ng iba’t ibang uri ng halaman, dahon at bulaklak. Ididikit ito sa bond paper at lalagyan ng pangalan sa ibaba. Nakipag-talo ako sa mga ka-klase ko tungkol sa sampaguita. Wala akong muwang sa hitsura ng sampauita nung pitong taon pa lang ako. Ang alam ko lang, lima ang petals nun at kulay puti. ‘Yun kasi ang karaniwang nakikita ko sa textbook naming black and white eh. Pati si Tatay na taga-pitas ng mga halamang isasama sa project ko ay naguluhan. Hindi raw iyon ang sampaguita. Minadali ko na lang siyang idikit ang halaman sa bond paper dahil male-late na ako. Kasehodang sampaguita nga ‘yun o hindi.
Nang makarating ako ng school, naka-habol naman ako sa 1st subject na pang-hapon. Hindi ko inaasahan na kukuwestiyunin ng mga ka-klase ko ang “sampaguita”. Kesyo raw, hindi iyon ang sampaguita, mali raw ang project ko, hindi na raw ‘yun tatanggapin ni Ma’am, hindi na raw ako magkaka-grade sa project. Hindi ko na alam ang gagawin ko nun pero desidido akong magpasa. Kahit mali ‘yung “sampaguita”. Pagbalik sa ‘kin ng folder ko, nakakuha ako ng average na 93%. Ayos na. Kahit may malaking malaking ekis na pula ‘yung tapat ng “sampaguita”.
Noong, Grade 3…laktawan na natin ang Grade 2, wala namang interesanteng nangyare. Inoperahan ang nanay ko noon sa goiter. Hindi na rin ako naka-pasok dahil nagkasakit. Gumawa ako ng excuse letter at pinirmahan ko ng ako lang. Sa pangalan ko rin naka-adres. Sinulat ko sa pinilas na notebook at inabot ko sa anak ng teacher namin na may crush sa ‘kin. Tapos, kampante akong nagpahinga sa bahay. Pagpasok ko nung sumunod na linggo, lahat ng ka-klase ko nakatitig sa ‘kin. Parang ang laki ng nagawa kong kasalanan. At wala akong ideya kung ano. Tumuloy lang ako sa klasrum. Walang umimik ni isa, basta lang nakatitig sila. Nagsimula ang klase. Pagka-check ng attendance, ako kaagad ang napansin ni Ma’am. Naglitanya siya tungkol sa tamang paggawa ng liham. Tamang margin, address, petsa, lagda, ek-ek. At dahil bata, hindi na ‘ko nagdahilan. Naka-yuko na lang akong tumutulo ang luha.
Noong Grade 4, naglinis kami ng best friend ng CR. May darating daw kasing supervisor na mag-oobserve sa eskwelahan buong linggo. Ang ending, kumintab ang sahig ng CR, pumuti ang bowl, natuwa si Sir. Binigyan kaming singko, pambili raw ng kendi. Maligaya naman kami.
Ang unforgettable moment ko nung elementarya ay noong Grade 5. Napunta ako sa top secton as usual. Terror ‘yung adviser namin. Malupit siyang magparusa sa mga maiingay at mga tamad. Hindi ako madaldal noon, lalo na ‘pag klase niya. Hindi rin ako nagpapahuling nakatayo lang habang ang mga ka-klase ko, naglilinis. Ewan ko ba kung bakit nalista ang pangalan ko sa mga noisy. Hindi naman pwedeng i-dahilan na ibang Junelyn ‘yun dahil ako lang naman ang nag-iisang Junelyn sa section namin. Ayun. Napasayaw ako ng sweet sa harap ka-partner ang lalaking kamakailan lang ay umaming crush niya raw ako simula nung araw na ‘yon. In fairness sa langit at lupa, nangumbida pa si Ma’am ng audience mula sa ibang section. Gusto kong maging kabute nung mga panahon na ‘yon. Ayoko na rin tuloy pumasok.
Pero, nalagpasan ko naman ang lahat ng pagsubok nung Grade 5 kaya nakarating ako ng Grade 6. May nagawa akong kasalanan sa adviser ko. Pinakialaman ko ang abaniko niya. Tapos, nasira! Inayos ko pero hindi talaga naayos. Nag-dahilan pa nga ako kay Ma’am na inayos ko lang ‘yun dahil sira talaga. Hindi rin ako lumusot. Buti na lang, half-day lang ang klase dahil makikiramay ang mga teachers sa co-tecaher nilang namatayan. Pagkatapos nun, nakalimutan na ni Ma’am at hindi na naalala pa kahit kelan.. balak ko ngang pag-uwi ko ulit ng Romblon, pasalubungan siya ng abaniko. Para quits na kami, ‘di ba?
Hindi siguro lahat ng naranasan ko ay naranasan ng lahat ng nag-elementary. Pero, sigurado ako… hindi talaga ako tumae sa klasrum.
“At ang pag-aaral ay hindi natatapos lang sa pag-sukbit ng bag sa balikat at pag-suot ng uniform.”
nice!
erron - JunpmFri, 18 Jun 2010 15:13:26 +00002010-06-18T15:13:26+00:0003 7, 2008 at 3:13 pm |
kuya erron, thanks.. nag-effort magbasa.. haha! =))
nelyn - JunpmFri, 18 Jun 2010 23:41:10 +00002010-06-18T23:41:10+00:0011 7, 2008 at 11:41 pm |
nice one..haha..napapanahon dahil pasukan na naman..weee..
ka-miss mag aral..ahahaha
bianca - JunamTue, 22 Jun 2010 10:25:53 +00002010-06-22T10:25:53+00:0010 7, 2008 at 10:25 am |
bianx, hindi pulido to.. haha! alam mo na yun kung anu-ano! wala kasing edit-edit eh…
nelyn - JunpmTue, 22 Jun 2010 12:31:34 +00002010-06-22T12:31:34+00:0012 7, 2008 at 12:31 pm |
oi ako din nag-effort magbasa.. haha. naaalala ko tuloy yung mga pinaggagawa ko dati..
marj - JunamFri, 25 Jun 2010 09:55:50 +00002010-06-25T09:55:50+00:0009 7, 2008 at 9:55 am |
yehehe… inspired ako nung pangyayari sa yo eh.. salamat sa pagbabasa.. nag-effort ka.. ahmmmzz.. di ko kase makalimutan yung pinagsaraduhan k ng mga estudyante mo sa CR. hahahaha..peace marj..
nelyn - JunamSat, 26 Jun 2010 02:54:34 +00002010-06-26T02:54:34+00:0002 7, 2008 at 2:54 am |
@nelyn..hehe oo alam ko..lahat naman tayo e..hehe
basta ok xa..nice.
@ marj, haha.. oo naalala ko ang magandang pangyayari sayo nung practicum mo..wahahahaha..peace!!!!
bianca - JunpmMon, 28 Jun 2010 13:16:00 +00002010-06-28T13:16:00+00:0001 7, 2008 at 1:16 pm |
@nelyn.. naku everything happens with a purpose pala talaga. di ba ako ang nag-inspire sa yo junelyn para magawa mo to? eh di pwede na ko maningil niyan? di naman pwedeng ganun-ganun lang di ba? haha.
@bianca.. ikaw talaga. ahaha.,
marj - JunamTue, 29 Jun 2010 09:38:32 +00002010-06-29T09:38:32+00:0009 7, 2008 at 9:38 am |
@bianx- oo nga! tama ka! thumbsss up. haha..andaming ‘es’!!!
@marj- aba! kung si bob ong nga, nagpapasalamat lang sa mga gurong nakapagdulot ng implwensiya sa kanya sa pagsusulat, pasalamat lang.. okay na yun.. hahahaha! hindi kelangan ng consensus.. tama ba speling? hoho…
nelyn - JulamSat, 03 Jul 2010 01:44:45 +00002010-07-03T01:44:45+00:0001 7, 2008 at 1:44 am |
ok junelyn since mabait ako pagbibigyan kita.. haha.
ang tagal bago ko naaccess tong site, ewan kung purdoy lang ba talaga net na gamit ko.
marj - JulamMon, 05 Jul 2010 09:30:19 +00002010-07-05T09:30:19+00:0009 7, 2008 at 9:30 am |
@marj- akala ko, isasagot mo e… “BAKIT? IKAW BA SI BOB ONG?!” hahahaha… =))
nelyn - JulpmTue, 06 Jul 2010 12:10:21 +00002010-07-06T12:10:21+00:0012 7, 2008 at 12:10 pm |
@nelyn….ahahaha.tama..okay na yung “thank you”..ahahahaha
@marj..ayan ang napapala ng matagal ng di bumibisita sa site..joke lang..miss you both..
bianca - JulamFri, 16 Jul 2010 10:08:54 +00002010-07-16T10:08:54+00:0010 7, 2008 at 10:08 am |
@ bianx – di ba? nakakatuwa naman na ang masabihan ng thank you.. ayos na un.. ahahaha! miss you too.. ransakin natin ang nalalapit na palihan! go mga tao! =))
nelyn - JulamFri, 23 Jul 2010 10:44:55 +00002010-07-23T10:44:55+00:0010 7, 2008 at 10:44 am |