Huling Lamay sa Aking Nakaraan
Ni: Henry Pabustan
Ngayong gabi ang huling paglalamay ko sa aking nakaraang namatay sa trahedya ng
isang pinilit na amnesia.
Namumugto pa rin ang aking mata sa mga huling sulyap ko sa mukha n’yang ni hindi ko
nagawang sulyapan noon.(Ang dami n’ya palang pilat– may mga naiwan pang sugat na
hindi na nakuha pang gumaling.) –Kalunos-lunos ang sinapit.
Kaya ngayon ko iniluluha ang lahat… ngayon ko inluluha ang mga araw na pinalipas ng
aking kapabayaan. (Kung alam ko lang na magkakaganito….)
Kaya ngayong gabi– hahayaan kong itong tula ang maging puntod niya– kasama ng mga
salitang walang bango (na magsilbing bulaklak) na lagi nang magpaalala na minsan
s’yang nabuhay sa akin…
Ngunit natatakot akong magmulto s’ya kinabukasan at paulit-ulit s’yang dumalaw sa
aking gunita…. Ngayong gabi ang huling lamay sa aking nakaraan–
ngunit wala ni isa mang nakisimpatya–
wala liban sa akin ang nagdamdam–
wala ni ipis o ni daga–
wala… wala… wala.
Mga naulila:
dahil hindi mo piniling ihiyaw ang iyong damdamin sa nagmamadaling mga araw noon
maris - AugpmThu, 05 Aug 2010 13:43:40 +00002010-08-05T13:43:40+00:0001 7, 2008 at 1:43 pm |