“PUGAD”
Ni: Jessica Gatbunton
“Hamir, ayan na mapipisa na!” Masayang wika ni Mara sa kanyang asawa na sabik na sabik makita ang kanyang mga anak. “Mara, ang gaganda nila! Tingnan mo ‘yung isa hawig ni….” Hindi na tinuloy ni Hamir ang pagsasalita nakita niyang nag-iba ang mukha ng kanyang asawa. Sabay na nilang pinanuod ang kanilang limang inalay sa paglabas ng mga ito.
Limang malulusong na inakay ang anak ng mag-asawa. Si Pipay ang panganay, sinundan ni Ulan, sin Gin at Arah na halos iisa ang mukha at si Dilan ang nag-iisang lalaki. Sabay-sabay nag-iyakan ang mga inakay na agad naming linapitan ng mag-asawa.
“Mahal kong mga anak… mabuti naman at malulusog kayo!” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Mara. “Mara, ito na ang pagkain baka nagugutom na ang mga anak natin.” Wika ni Hamir at tigitigisang pinakain ang kanyang mga anak na lumibot at lumipad sa himpapawid.
“Mga anak, nasiyahan ba kayo sa paglipad natin ngayon? Tanong ni Hamir sa kanyang mga anak na pawing pagod na pagod. “Syempre naman Tatay. Eh ito ngang si Ate Pipay nagpapakitang gilas pa! Hahaha!” Wika ng mapang-asar na bunsong si Dian. “ Aba ! Dapat lang makita nila itong maganda kong pakpal. Mana kaya ako kay Nanay. Hahaha!” Matawa-tawang pabida ni Pipay. “Kayo talaga. Syempre mana kayong lahat samin ni Tatay niyo, hindi ba Hamir?” Sambit ni Mara habang naghahanda ng makakain ng kanyang mag-anak. “Oo naman manang mana kayo samin. Sa gwapo kong ‘to.” Tugon ni Hamir sa asawa. At ang lahat ay sabay-sabay na nagtawanan. Isa iyon sa makasaysayang araw ng pamilya nila Hamir at Mara.
Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, nakakaalis na ang limang ibon kahit hindil nila kasama ang kanilang ama. Natututo na silang pumasyal kung saan-saan. Minsan pa nga’y ginagabi sila ng uwi. Isang araw, mag-isang namasyal si Ulah. Sa kanyang pamamasyal may nakita siyang isang puno. Ngayon niya lamang ito nakiya ngunit parang matagal na niyang napupuntahan ito. Nilibot niya ito. Nagtataka siya kung bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam n’ya sa punong iyon. Magmula noon doon na siya pumupunta kapag gusto niyang mapag-isa o kaya kapag nakakaramdamn siya ng kalungkutan.
Minsan sinama ni Ulah ang dalawa niyang kapatid sa puno. Nagtataka sila sa pagbabago kay Ulah. Mas masigla ito at palakaibigan sa marami. “Ulah, bakit parang ang saya mo kapag andito ka sa puno na’to?” tanong ng isang kapatid na pinagmamasdan ang kabuuan ng puno. “Hindi ko nga din alam at ang gaan-gaan ng kalooban ko ngayon.” Tugon ni Ulah sa kapatid. Kinibit-balikat na lamang ng magkakapatid ang pagababago ni Ulah. Sa halip, kinatuwa ito ng buong pamilya at hinayaan na lang nila si Ulah.
Umuulan ng malakas, mahangin na mahangin. Halos niyuyugyog na ang mga puno. “Tulong… tulong…. Aaaaaaah—aaaah!” Nagising na pawis na pawis si Ulah, takot na takot. Akala niya’y totoo ang kanyang panaginip. Ilang araw na iyon lagi ang laman ng kanyang mga panaginip. “Anak, ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ng kanyang inang si Mara sabay yakap sa kanya. “Nay, akala ko nahulog na’ko sa matarik na matarik na puno. Nakakatakot ang lakas ng ulan. Walang tumutulong sa’kin.” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Ulah habang yumayakap sa kanyang ina. Laging iyon ang tagpo kapag dinadalaw si Ulah ng kanyang masamang panaginip.
Isang araw mayroong napansin si Ulah. Tuwing dinadalaw siya ng kanyang masamang panaginip ay nagkakaroon ng disgrasya sa kanya. Noong una ay inakala niya na pagkakataon lang ngunit halos limang beses na itong nangyari. Una noong muntik na siyang mahuli ng mangangaso sa kanyang pamamasyal. At noong napilayan siya ng hinabol siya ng mabangis na ibon.
Isang umaga, kinausap siya ng kanyang mga magulang. Pumunta silang lahat na mag-anak sa puno na palaging pinupuntahan si Ulah. Nagtataka ang mgakakapatid kung bakit. “Nay, bakit po tayo pumunta dito? Dito na po ba tayo titira?” pag-uusisa ni Dian. “Hindi naman anak. May mga bagay lang kaming ipapaliwanag sa inyo.” Pagpapaliwanag ni Hamir, dahil labis na nahihirapang magsalita ang kanilang ina kaya si Hamir na ang sumagot sa kanyang bunso. “Eh Tay , ano po iyon at saka bakit dito pa eh pwede naman sa bahay?” Tanong naman ni Ara na naguguluhan na. nananatili pa rin nananhimik si Mara na parang maiiyak na. Matagal na katahimikan ang namayani hanggang si Ulah na ang bumasag sa katahimikan. “Ano po ba talaga ang gagawin natin dito?” Medyo mataas ang tono ni Ulah na kinagulat ng lahat. “Ganito kasi iyon. May sasabihin ang nanay ninyo. Intindihin n’yong mabuti.” Wika ni Hamir. “Tungkol saan po ba?” tanong ulit ni Ulah. Hindi na makasagot pa si Hamir. Parang napipigilan. Hinihintay nilang magsalita ang kanilang ina subalit parang ang lalim-lalim ng iniisip nito. “Noong kasagsagan ng bagyo, dito sa puno na ito nakatira ang kapatid ko. Ginawa niya ang lahat para hindi mahulog ang mga anak niya. Sinamahan ko siya sa araw na iyon. Parehas kaming takot na takot. Kahit malakas ang ulan, pinilit niyang liparan ang tuktok ng punong ito para kumuha ng mga sanga pamproteksyon sa mga anak niya. Hindi pa sila napipisa. Tinuruan n’ya ko na limliman ko muna ko muna ang mga itlog.” Mahabang pagpapaliwanag ni Mara. Lahat ng anak niya ay nagulat dahil hindi nababanggit sa kanila na mayroon pa lang kapatid ang nanay nila. “Nay, ano sumunod na nangyari? Parang hindi pa tapos.” Pag-uusia ni Gin. “Oo nga Nanay. Saka bakit ngayon ninyo lang po naikwento sa amin?” dagdag naman ni Arah. “Tingin ko ngayon na ang tamang panahon. Lumipas ang ilang oras hindi pa rin siya bumabalik at bigla akong nakarinig ng hiyaw. Alam ko kapatid ko ‘yon. Hindi alam kung ano ang gagawin kung pupuntahan ko ba s’ya o ang bilin n’yang huwag na huwag kong iiwan ang mga anak niya.” Pagpapaliwanag muli ni Mara sa mga anak.
“Eh Nay ano po ginawa ninyo?” tanong ni Arah. Lahat sila ay hinihintay ang muling pagkukuwento ng kanilang ina habang nakahilig sila Gin, Dian at Ulah sa kanilang ama. “Pinuntahan ko siya agad. Hindi na kalakasan ang ulan. Gulat na gulat ako dahil nahulog siya sa punong ito. Nadaganan siya ng sangang nabali. Sugatan siya, hinang-hina. Ginawa ko lahat para maiangat siya pero hindi ko makaya dahil unti-unting nababasa na rin ang mga pakpak ko. Tanging bilin niya alagaan ko at mahalin ang kanyang mga anak. Natakot ako ng sabihin niya iyon. Bigla na lang siyang nawalan ng malay.” Umiiyak na paliwanag ni Mara sabay yakap sa mga anak. Hanggang umiyak na rin silang lahat, nagtataka sila kung bakit nakaramdam sila ng kakaiba. Biglang nagtanong si Ulah, “Nay, kaya ba ako nananaginip na parang nahuhulog sa puno dinadalaw ako ng kapatid mo?” Lalong napaiyak si Mara. Hindi niya malaman kung ano ang susunod na sasabihin. “Nay, nasaan nap o ‘yung mga anak niya? Kala ko ba nangako kayo?” dagdag pa ni Dilan.
“Mga anak… kayo ang mga anak niya. Hindi ko alam kung bakit nahirapan ako na sabihin sa inyo ito dati pa. Mahal na mahal ko kayo. Tinuring ko kayong akin. Mapapatawad ninyo ba ang nanay? Naguguluhan din ako sa mga panaginip ni Ulah. Siguro nga panahon na upang malaman ninyo.” Pagtatapat niya sa mga anak at tumulo na ang luha niyang kanina pa gustong bumababa. Lahat sila ay humagulgol ng humagulgol. Punong puno ng emosyon ang lahat. “Nay, salamat po. Hindi naman naming naramdaman sa inyo ni Tatay na iba kami. Mahal na mahal naman kayo!” wika ni Pipay na hikbi ng hikbi. “Oo nga Nay, kayo pa rin ang nanay naming at tatay pa rin naming kayo ‘ Tay . Masakit mang malaman pero ayos lang. hindi po naming kayo iiwan, di ba?” dagdag pa ni Gin na humihingi ng tugon sa mga kapatid. “Syempre naman. Mahal na mahal naming ang nanay at tatay naming. Mana kaya kami sa kanila.” Tugon ng bunsong si Dilan sabay yakap sa mag-asawa. Lalo pang tumibay ang samahan nilang pamilya. Malaki rin ang pasasalamat ni Mara sa kapatid niyang si Pugad sa mga anak nitong mababait.
ang pugad ay magandang ilustrasyon sa pamilya. buti anak at nakasulat ka na ulit. magpakita ka sa ikatlong workshop ha.
edel larin - AugamFri, 06 Aug 2010 05:22:05 +00002010-08-06T05:22:05+00:0005 7, 2008 at 5:22 am |
wow…. ganda ng pugad….
efraim - AugamTue, 10 Aug 2010 06:09:11 +00002010-08-10T06:09:11+00:0006 7, 2008 at 6:09 am |
wow…. ganda ng pugad…. galing
efraim - AugamTue, 10 Aug 2010 06:09:53 +00002010-08-10T06:09:53+00:0006 7, 2008 at 6:09 am |